dzme1530.ph

Mga pasahero dumagsa sa NAIA terminals kaninang umaga

Tiniyak ng Bureau of Immigration na nakahanda silang pangasiwaan ang pagdagsa ng mga pasaherong papaalis sa mga terminal ng Ninoy Aquino international Airport (NAIA).

Ayon sa Immigration nakaranas sila ng pagtaas ng bilang ng pasaherong papaalis sa NAIA terminals kaninang 6:10 ng umaga.

Ang buwan ng Hulyo ay itinuturing na peak season sa international travelers dahil sa school break ng mga mag-aaral.

Gayunpaman mabilis na na-iproseso ng mga immigration officer na nakatalaga sa immigration counter ang mga pasaherong papaalis ng bansa.

Pinapayuhan ang mga manlalakbay na mag-check-in nang hindi bababa sa 3-oras bago ang kanilang mga flight upang magbigay ng sapat na oras para sa screening procedure sa paliparan.

About The Author