Kumpiyansa si Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian na magiging ganap na batas ang mga panukalang Maharlika Investment Fund at ang pagpapalawig ng Estate Tax amnesty bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Gatchalian, mismong ang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na ang nagsabi na sa ikatlong linggo ngayong buwan o sa susunod na linggo naka-schedule nang lagdaan ng Pangulo ang mga panukala.
Tiwala rin si Gatchalian na hindi ive-veto ng punong ehekutibo ang panukalang dalawang taong extension ng Estate Tax amnesty.
Ipinaalala ng senador na marami sa mga taxpayer ang nais na i-avail ang amnestiya at hinihintay lamang na malagdaan ito ng Pangulo.
Maging ang MIF anya ay suportado ng economic team kaya’t hindi rin niya nakikita ang posibilidad na i-veto ito ng Malakanyang. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News