dzme1530.ph

MGA PANUKALA PARA SA KITA AT TRABAHO NG MAMAMAYAN, DAPAT UNAHIN SA GITNA NG MATAAS NA BILANG NG JOBLESS PINOY

Loading

PINAIGTING ni Senador Christopher Bong Go ang pangangailangan ng mas matibay na job protection at mga hakbang para palakasin ang kita ng mga manggagawa, kasunod ng bahagyang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho noong Disyembre 2025, lalo na kung ikukumpara sa datos noong Disyembre 2024.

 

Sinabi ni Go na pinagtitibay ng pinakahuling datos ang pangangailangang unahin ang mga panukalang batas na direktang tumutugon sa kita, oportunidad sa trabaho, at seguridad sa hanapbuhay, partikular para sa mga sektor na mas bulnerable.

 

Binigyang-diin ng senador na dapat sumabay ang mga batas sa paggawa sa inflation at nagbabagong uri ng trabaho. 

 

Kabilang sa kanyang mga prayoridad sa 20th Congress ang Senate Bill No. 175, na naglalayong magpatupad ng nationwide minimum wage hike upang matulungan ang mga manggagawa sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

 

Upang mabawasan ang gastusing pinapasan ng mga naghahanap ng trabaho, inihain din ni Go ang Indigent Jobseekers Assistance Bill, na magbibigay ng subsidiya para sa mga gastusing kaugnay ng pag-aapply ng trabaho tulad ng requirements at pamasahe.

About The Author