Nais bigyang prayoridad ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ngayong 20th Congress ang mga panukala para sa kapakanan ng mga maliliit na negosyo sa bansa.
Sinabi ni Escudero na isusulong niya ang mga pro-Micro Small and Medium Enterprises bills upang kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng mga ito sa ekonomiya.
Ipinaliwanag ng senate leader na 67% ng kabuuang employment sa bansa ay mula sa MSMEs.
Kabilang sa panukalang nais isulong ni Escudero ang exemption sa income tax ng MSMEs sa loob ng tatlong taon at pagbabawas sa kanila ng taxable income na katumbas ng 25% sa kanilang labor expenses.
Pinatatapyasan din ng senador ang buwis sa gross sales o receipts sa 5% mula sa kasalukuyang 8%.
Itutulak din ng mambabatas ang reinstitution ng mandatory credit allocation para sa mga MSME sa lahat ng lending institutions sa loob ng 10-taon upang mabigyan ng mas maluwag na access sa loans ang mga maliliit na negosyo.