dzme1530.ph

Mga pantalan na maraming stranded na pasahero, bumabalik na sa normal

Unti-unti nang bumabalik sa normal ang operasyon ng 34 mula sa 121 pantalan na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Egay.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga nagbukas na pantalan ay mula sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan at Bicol region.

Bumaba naman sa 2,943 pasahero ang stranded sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at National Capital Region (NCR).

Gayunman, hindi pa rin pinayagang maglayag ang 55 barko, 27 motorbanca at 559 rolling cargoes.

Samantala, kanselado pa rin ang 25 domestic flights dahil sa masungit na panahon. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author