dzme1530.ph

Mga pangunahing kalsada, tulay sa paligid ng bulkang Mayon, hindi isasara

Siniguro ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na madadaanan pa rin ang mga pangunahing kalsada at tulay sa paligid ng bulkang Mayon sa Albay.

Paliwanag ni DPWH Sec. Manuel Bonoan, ito’y upang agad maihatid ang tulong sa mga inilikas na residente.

Nakahanda na rin aniya ang quick response team at quick response asset ng ahensya, maging ang gagamiting alternatibong ruta sakaling tumaas ang aktibidad ng Mayon volcano.

Nabatid na nananatili sa ilalim ng alert level 3 ang sitwasyon ng naturang bulkan dahil sa patuloy na pag-aalburoto. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author