dzme1530.ph

Mga pahayag ni Zaldy Co, inconsistent

Loading

Pinuna ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian ang ilang inconsistencies o butas sa mga naging pahayag ni dating Cong. Zaldy Co.

Partikular na pinuna ni Gatchalian ang sinabi ni Co na nagpasingit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng ₱100 bilyon sa bicam committee level ng budget process para sa 2025.

Sinabi ni Gatchalian na nakapagtatakang nagsingit ang Pangulo ng pondo sa bicam level gayung maaari niya itong gawin sa pagbalangkas ng National Expenditure Program.

Pangalawa sa pinuna ng senador ang pagtukoy sa mga proyekto sa Valenzuela City, kung saan nang suriin niya ay pawang secondary roads lamang ang nakita.

Binigyang-diin ni Gatchalian na kung magpapasok man ang Pangulo ng proyekto ay dapat na malalaking proyekto at hindi secondary road.

Pangatlo, ayon sa kanyang tinitignan, ay ang pag-veto ni Pangulo sa ilang proyekto.

Muling hinamon ni Gatchalian si Co na kung totoo ang mga sinasabi nito ay umuwi na lamang siya sa Pilipinas at harapin ang lahat ng imbestigasyon.

Madali aniyang magsalita, pero sa isang iglap ay mawawala ka na lamang na parang bula.

About The Author