![]()
AMINADO si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na lubhang nakakabahala ang mga pahayag ni Senador Rodante Marcoleta kaugnay sa West Philippine Sea na tila may pattern at kahalintulad ng sinasabi ng Ministry of Foreign Affairs ng China.
Binigyang-diin ni Lacson na national security ang pinag-uusapan kaya’t labis itong nakakabahala lalo na maselan ngayon ang sitwasyon dahil sa tensyon sa Middle East.
Idinagdag ni Lacson na nang nagsagwa siya ng pagsasaliksik kung saan marami anya siyang natuklasang shortcomings ni Marcoleta.
Napuna rin anya nila ang tila pag-parrot ni Marcoleta sa mga sinasabi ng China.
Sinabi pa ni Lacson na tila paborito siyang sisihin ni Marcoleta at nang tanungin siya kung bakit naging pabiro ang kanyang tanong na sinagot na rin naman ni Marcoleta.
