dzme1530.ph

Mga pahayag ni dating Rep. Co, kwento lang, ayon kay Sen. Lacson

Loading

Walang probative value para kay Senate Blue Ribbon Committee chairman Panfilo Lacson ang pahayag ni dating Cong. Zaldy Co sa inilabas nitong video message.

Para kay Lacson, simpleng narration o kwento lamang ang mga pahayag ni Co dahil hindi naman niya ito pinanumpaan.

Kasabay nito, aminado si Lacson na palaisipan sa kanya ang pahayag ni Co na nagpa-insert si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P100 billion na halaga ng proyekto sa DPWH.

Sinabi ni Lacson na ang budget process ay nagsisimula sa pagbuo ng National Expenditure Program na binubuo ng Malacañang.

Sa NEP level pa lamang aniya ay maaari nang ipag-utos ng Pangulo na magpasok ng P100 billion projects sa DPWH at hindi na kailangan pa sa bicam level na hindi naman ito kasama.

Samantala, sinabi ni Lacson na pag-uusapan pa nila kung kailan ang susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

About The Author