dzme1530.ph

Mga paglabag ng isang construction site sa QC, pinuna ni Sen. Tulfo

Loading

NAALARMA si Senate Committee on Labor and Employment Vice Chairman Raffy Tulfo sa mga natuklasang paglabag ng isang construction site sa Quezon City sa mga labor code.

 

Sa gitna ito ng isinagawng random inspection ng senador sa construction site, garments, canning at candy factory dahil sa mga natatanggap na reklamo mula sa mga manggagawa.

 

Nanggalaiti ang senador nang matuklasan na marami sa mga construction worker sa isang site sa Quezon City ang ilang taon nang nagtatrabaho sa kumpanya ngunit below minimum wage ang sweldo at walang 13th month pay habang ang mga security guard doon ay halos kalahati lang ng minimum wage ang natatanggap.

 

Kalunos-lunos din anya ang sitwasyon ng kanilang barracks na maging ang kasama niyang taga-DOLE, Bureau of Fire Protection (BFP) at Quezon City Engineering Office ay nagulat at naawa sa kalagayan ng mga manggagawa.

 

Kapansin-pansin din na kulang sa safety gears at ang mga mechanical equipment doon ay unsafe gamitin dahil sa kalumaan at di malaman kung kailan huling na-inspeksyon at sumailam sa isang service maintenance kung kaya’t mapanganib sa mga manggagawang gagamit nun.

 

Napansin din ng BFP na may mga violation ang construction site na posibleng pagmulan ng mga sunog at mailalagay sa peligro ang safety ng mga manggagawa roon.

 

Bilang tugon, tiniyak ni Tulfo sa mga construction workers na underpaid at hindi nakakatanggap ng 13th month pay na makakasingil sila ng kanilang backpay katumbas ng halagang hindi nila nakuha sa mahabang panahon.

About The Author