dzme1530.ph

MGA PAGKAING POSIBLENG MAGDULOT NG COLON CANCER, ALAMIN UPANG MAIWASAN

Loading

Maraming Filipino food ang masarap at maipagmamalaki natin sa ibang lahi.

 

Pero may mga pagkain na kung madalas nating kinakain ay may panganib na dala upang tamaan tayo ng colon cancer.

 

Una na rito ang barbeque o ang grilled meats lalo na ang sunog. Nagtataglay kasi ito ng heterocyclic amines at polycyclic aromatic carbons na sumisira sa DNA ng ating cells. Ito ay nagdudulot ng mutation at nagiging cancer.

 

Ikalaw ay ang processed meat tulad ng bacon, tocino at longganisa. Itinuturing ito ng World Health Organization bilang group one ng carcinogen tulad ng kategorya ng paninigarilyo. Nagtataglay kasi ito ng nitrates at heme iron na kapwa inuugnay sa colon at stomach cancer.

 

At ikatlo, ang fried street foods. Paulit-ulit na kasing ginagamit ang mantika dito kaya’t nagkakaroon na ng oxidative compound na nagti-trigger sa inflammation at pagkasira ng gut health na nagdudulot ng panganib sa cancer.

 

Maraming mga masasarap na pagkaing Pinoy, ang kailangan lamang ay piliin kung ano ang makabubuti sa ating kalusugan.

About The Author