dzme1530.ph

Mga pagkaing pampatalino, alamin!

Ang pagkain ng “brainy foods” ay makatutulong upang panatilihing malusog ang utak.

Kabilang sa mga pagkain na ito ang mani na mayaman sa vitamin E at good fats.

Ayon sa pagsusuri, kapag mataas ang lebel ng vitamin E sa iyong katawan, mas matalas din ang iyong pag-iisip at memorya.

Makatutulong din ang pagkain ng matabang isda o oily fish tulad ng tuna, tilapia, salmon, sardinas, tamban, at taba ng bangus dahil sa taglay nitong omega-3 fatty acids na nagpapaganda ng daloy ng dugo.

Nakabubuti rin ang pagkain ng itlog dahil ito ay mataas sa choline, isang kemikal na kailangan para madevelop ang utak at memorya.

Kasama rin sa tinaguriang “brainy foods” ang abokado na mayaman sa vitamin B at healthy fats na nagpapabuti sa daloy ng dugo sa utak at nagpapababa ng blood pressure.

About The Author