dzme1530.ph

Mga pagkaing nakabubuti sa puso, alamin!

Napatunayan ng isang pag-aaral mula sa American Heart Association na ang mga mapupulang pagkain ay nakabubuti upang mapangalagaan ang iyong puso.

Kabilang dito ang pulang ubas o red grapes dahil sa taglay nitong substance tulad ng flavonoids, quercetin, at resveratrol na nagpapataas ng good cholesterol sa katawan at pumipigil sa pagbubuo-buo ng platelets sa dugo upang hindi bumara sa ugat.

Makatutulong din ang pulang mansanas dahil ito ay may pectin na nagpapababa ng lebel ng bad cholesterol habang ang strawberries naman ay may taglay na ellagic acid, anti-oxidants, vitamin B at C na kailangan para sa normal na pagtibok ng puso at proteksyon laban sa kanser.

Kasama rin sa “Red Foods for the Heart” ang kamatis at pulang pakwan na mayaman sa anti-oxidants na lycopene at beta-carotene na nagpapababa ng tyansang magkaroon ng sakit sa puso at heart attack.

About The Author