![]()
Lumalabas sa mga pag-aaral na malaki ang naitutulong ng tamang pagkain upang mapababa ang antas ng stress na nararamdaman ng isang tao.
Ayon sa mga nutritionist, ang mga pagkaing mayaman sa mga vitamin at minerals ay may mahalagang papel sa pagpapakalma ng isip at pagpapalakas ng katawan laban sa stress.
Isa sa mga inirerekomenda ay ang mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng isda, na nakakatulong sa pagbabawas ng anxiety at pagpapabuti ng mood.
Mahalaga rin ang pagkain ng mga prutas tulad ng saging na may taglay na potassium na nakakatulong sa pag-regulate ng blood pressure at pagpapakalma ng nerbyos.
Hindi rin dapat kaligtaan ang mga gulay na mayaman sa magnesium tulad ng malunggay at spinach, dahil nakakatulong ito sa pagrerelax ng mga muscles at pagbabawas ng pagkabalisa.
Bukod dito, inirerekomenda rin ang dark chocolate sa tamang dami dahil may taglay itong antioxidants na nakakatulong sa pagbabawas ng stress hormones.
Pinapayuhan naman ng mga eksperto na iwasan ang sobrang pag-inom ng kape at matatamis na pagkain dahil maaari itong magpalala ng stress at pagkabalisa.
Paalala ng mga eksperto na ang balanseng diyeta, kasama ng sapat na pahinga at ehersisyo, ay mahalaga upang mapanatili ang maayos na malusog na isip at labanan ang stress.
