dzme1530.ph

Mga pagdududa sa automated elections, mareresolba sa hybrid system

Loading

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na maraming isyung mareresolba kung gagawing hybrid ang eleksyon sa mga susunod na panahon.

Sa hybrid system, magiging mano-mano ang bilangan sa precinct level subalit automated ang transmission ng bilang ng mga boto.

Sinabi ni Pimentel na maraming isyu sa fully automated elections ang hanggang ngayon ay hindi nareresolba.

Katunayan, ilan pa aniya sa mga isyu ay paulit-ulit na lamang na nangyayari.

Kung magiging mano mano aniya ang bilangan sa presinto ay mas mababawasan ang mga pagdududa at mga tanong ng marami.

Kasabay nito, dapat din aniyang matiyak na mapapatawan ng karampatang parusa ang sinumang masasangkot sa dagdag bawas scheme.

Mas makabubuti pa aniya kung itataas sa habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa ganitong uri ng pandaraya.

About The Author