Rereviewhin ng Office of the Senate President ang mga pagdinig na isinagawa ng Senate Committee on Foreign Relations kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senate President Francis Escudero, layun nitong madetermina kung nasusunod ang mga tamang rules kaugnay sa pagsasagawa ng pagdinig.
Sinabi ni Escudero na dapat maiwasan na magamit sa political agenda o motivation ang mga pagdinig at matiyak na palaging isasa-alang-alang ang “best interest” ng mamamayan, ng bansa at ng Senado bilang institusyon.
Una nang binigyang-diin ni Escudero na hindi niya papayagang magamit ang Senado at maging ang opisina ng Senate President sa partisan interests lalo na ng mga senador na reelectionist ngayong midterm elections.