Hindi ipapalabas sa livestream ang mga pagdinig ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) upang maiwasan ang “trial by publicity” at anumang impluwensyang politikal.
Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, ito ang kasalukuyang polisiya ng komisyon dahil ang layunin ng initial hearings ay para sa case build-up ng mga posibleng kasong criminal, civil, at administrative.
Gayunman, nilinaw ni Hosaka na may susunod pang diskusyon upang tugunan ang panawagan para sa transparency.
Dagdag pa nito, bagaman batid ng ICI ang hiling ng publiko para sa live-streaming, pag-uusapan pa ng komisyon kung paano mababalanse ang transparency at mapoprotektahan ang karapatan ng mga taong isasailalim sa pagdinig.