dzme1530.ph

Mga pagamutan saklaw ng zero balance medical bills, dapat linawin

Loading

Nangangamba si Senadora Pia Cayetano na magdulot ng kalituhan ang pahayag ng Pangulo kaugnay ng zero balance billing.

Bagama’t natutuwa siya sa anunsyo, iginiit ng mambabatas na dapat itong ipaliwanag nang malinaw.

Ani Cayetano, magandang balita kung kaya na pala ng mga ospital ng DOH na magpatupad ng zero billing para sa mahihirap, ngunit baka ito magdulot ng pagdagsa ng pasyente sa lahat ng pampublikong ospital.

Nilinaw niya na ang polisiya ay saklaw lamang ng mga ospital na pinamamahalaan ng Department of Health, at hindi ng mga LGU.

About The Author