AMINADO si Senador Ronald Bato dela Rosa na maaaring magamit laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naging pahayag niya sa Senado.
Partikular ito sa mga naging pag-amin ni Duterte na mayroon siyang death squad noon at ang paghikayat sa mga pulis na hayaang manlaban ang mga kriminal saka patayin.
Sinabi ni dela Rosa na handa naman ang dating Pangulo na harapin ang kasong isasampa laban sa kanya.
Katunayan ang dating punong ehekutibo pa anya ang naghamon na dalhin na sa korte ang kaso.
Samantala, kinumpirma ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na wala na siyang balak imbitahin ang dating Pangulo sa susunod nilang pagdinig.
Sinabi ni Pimentel na sa ngayon ay walang dahilan para ipatawag muli si Duterte at wala rin namang senador na humihiling ng kanyang presensya. —ulat mula kay Dang Garcia