Sisikapin ng pamahalaan na maihanda ang mga paaralang sinira ng Bagyong Egay, para sa pagbubukas ng klase sa Agosto.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., isinasagawa na ang inventory o pagtukoy sa bilang ng mga pampublikong paaralan na napinsala ng bagyo.
Magkakaroon umano sila ng listahan ng school buildings na pansamantalang hindi muna magagamit ng mga mag-aaral.
Tiniyak ng Pangulo na gagawin nila ang lahat sa nalalabing isang buwan bago ang pagbubukas ng klase.
Dahil ang Agosto a-28 ay deklaradong regular holiday para sa National Heroes Day, inaasahang sa Agosto a-29 itatakda ang opisyal na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News