dzme1530.ph

Mga otoridad, nakahanda sa posibleng epekto ng Bagyong #EgayPH sa SONA ni PBBM  

Handa ang mga otoridad sa posibleng epekto ng Bagyong Egay sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  

Napag-alaman sa pinakahuling ulat ng PAGASA na ang ika-5 bagyo sa bansa ngayong taon ay maaaring maging super typhoon habang nasa bahagi ng Philippine Sea sa Silangan ng Extreme Northern Luzon. 

Tiniyak ni House Sec. Gen. Reginald Velasco ang kahandaan ng Kamara hinggil sa posibilidad na magkaroon ng malakas na ulan sa Lunes, Hulyo a-24.  

Siniguro rin ni Philippine National Police Spokesperson Jean Fajardo na magdedeploy sila ng mga tauhan umulan man o hindi. 

Nabatid na aabot sa 20,000 pulis ang ipakakalat sa SONA ng Pangulo, kabilang mga tauhan ng MMDA at LTO. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author