dzme1530.ph

Mga otoridad, inaalam pa kung may mga Pilipinong naapektuhan ng pagbaha sa Libya

Inaalam pa ng mga otoridad kung may mga Pilipinong naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Libya.

Ito ang sinabi ng Philippine Embassy sa Tripoli makaraang tumama ang malakas na bagyo sa silangang bahagi ng naturang bansa, na nagdulot ng pagbaha, pag-apaw ng tubig sa mga dam, at pinsala sa imprastruktura.

Anila, umabot na sa 10,000 katao ang nawawala, habang mahigit 2,000 ang pinangangambahang nasawi dahil sa epekto ng kalamidad.

Samantala, nagpa-abot ng panalangin ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli para sa mga naapektuhang residente sa Benghazi, Al-Marj, Al-Bayda, Shahat, Derna, at Tobruk.

Hinikayat din nito ang mga Pilipino na nangangailangan ng tulong na agad makipag-ugnayan sa embahada sa pamamagitan ng email address na [email protected] o Facebook page: www.facebook.com/phinlibyasa panulat ni Airiam Sancho

About The Author