dzme1530.ph

Mga ospital sa bansa, handa sa El Niño

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi maaapektuhan ng El Niño phenomenon ang public health services.

Sinabi ni DOH Secretary, Dr. Ted Herbosa, na nakalatag na ang contingency plans ng ahensya sakaling tamaan ng power at water outages ang mga ospital sa bansa.

Idinagdag ni Herbosa na bukod sa kanilang sariling plano ay mayroon ding mga hakbang ang Presidential Task Force on El Niño Response upang matugunan ang posibleng kakapusan sa tubig at kuryente.

Ayon sa PAGASA, posibleng tumagal hanggang Mayo ang epekto ng El Niño bago ang transisyon nito patungo sa neutral phase sa Hunyo.

About The Author