dzme1530.ph

Mga opisyal sa Laurel, Batangas, nag-boodle fight para patunayang ligtas kainin ang isda mula sa Taal Lake

Loading

Nagsagawa ng boodle fight ang lokal na pamahalaan ng Laurel, Batangas para patunayang ligtas kainin ang mga isdang mula sa Taal Lake, sa gitna ng nagpapatuloy na paghahanap sa mga nawawalang sabungero.

Pinagsaluhan ng mga lokal na opisyal ng bayan ang mga inihaw na bangus at tilapia na huli mismo mula sa lawa.

Ayon kay Mayor Lyndon Bruce, bumaba ang demand sa mga isda ng Laurel simula nang simulan ng mga awtoridad ang retrieval operations sa Taal Lake, bagay na aniya’y nagdulot ng malaking pagkalugi sa hanapbuhay ng mga mangingisda sa kanilang bayan.

About The Author