Bibiyahe patungong Amerika sina Trade Secretary Ma. Cristina Roque at Special Assistant to the President for Investments and Economic Affairs (SAPIEA) Secretary Frederick Go, sa susunod na linggo.
Ayon kay Roque, ang kanilang official trip sa Amerika ay magsisimula sa April 29 hanggang May 2.
Makikipagpulong aniya sila sa US Trade Representative at sa Secretary of Commerce sa Washington, D.C.
Sinabi ng kalihim na layunin ng kanilang biyahe na maibaba ang tariff rate, at makuha kung ano ang makabubuti para sa bansa.
Idinagdag ni Roque na posibleng mag-alok ang Pilipinas ng mas mataas na volume ng imports mula sa US, gaya ng soybeans at iba pang agricultural products, habang bina-balanse ang local agriculture sector.