![]()
Target ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kasuhan ang matataas na opisyal ng pamahalaan at kanilang mga kasabwat na sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Sandiganbayan sa November 25.
Ang tinutukoy ni Remulla ay mga government official na nasa ilalim ng salary grade 27 pataas at nasa hurisdiksyon ng anti-graft court.
Sinabi ng Ombudsman na papangalanan nila ang mga opisyal kapag isasampa na nila ang kaso.
Kahapon ay inihain ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang rekomendasyon nito sa Ombudsman na sampahan ng plunder, bribery, at corruption complaints sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada.
Gayon din sina former Rep. Zaldy Co at Mitch Cajayon, at Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana, at iba pang personalidad, bunsod ng kanilang pagkakaugnay sa flood control scandal.
