dzme1530.ph

MGA OPISYAL NG DOE, PINAYUHANG WAG MATULOG AT MAGHANAP NG SUPLAY NG LANGIS

Loading

HUWAG na kayong matulog.

 

Ito ang bilin ni Senate Protect Committee Chairman Sherwin Gatchalian sa mga opisyal ng Department of Energy sa pagsisikap na maghanap ng suplay ng produktong petrolyo.

 

Ito ay kasunod ng paghingi na ng saklolo ng mga oil company kasunod ng pag-amin na wala pang tiyak na delivery ng petroleum products sa pagtatapos ng Abril.

 

Sinabi ni Gatchalian na nasa krisis ang bansa kaya’t dapat lamang na magdouble time ang gobyerno para sa pagtiyak ng matatag na suplay ng produkto.

 

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Gatchalian ng Philippine Competition Commission na paigtingin ang monitoring sa mga oil company upang matiyak na hindi umaabuso ang mga ito sa pagpapataw ng presyo.

 

Sa kabila ito ng pahayag ng senador na posibleng malaki ang kita ng mga kumpanya ng langis sa pagpapatupad ng replacement price o ang pagpapataw ng presyo ng produktong petrolyo kasabay ng presyuhan sa world market.

About The Author