dzme1530.ph

Mga OFW sa Iraq, dapat isama sa contingency plan sa gitna ng tensyon sa Iran at Israel

Loading

Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang gobyerno na tiyaking maisasama ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa Iraq sa contingency plan sa gitna ng tensyon ngayon sa pagitan ng Iran at Israel.

Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat maging handa ang pamahalaan para mabilis at ligtas na ma-repatriate o mapabalik sa Pilipinas ang mga OFW sa Iran, Israel at Iraq.

Ipinaliwanag ng senador na kailangang kasama rin sa pagpaplano ang mga Pinoy sa Iraq dahil ang naturang bansa ay nagho-host ng Iran-backed militias at maaaring madamay sa regional tension.

Ayon sa mambabatas, nararapat lang na mabigyan ang mga kababayan natin doon ng agaran at komprehensibong suporta gaya ng livelihood assistance.

Dapat rin aniya silang mabigyan ng mga serbisyong pangkalusugan kabilang na ang mental health care.

About The Author