Nagsagawa ng inspection sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sina DOTr Sec. Jaime Bautista, DILG Sec. Benjur Abalos, MMDA acting Chairman Romando Artes at iba pang official ng gobyerno.
Kasunod nito nagsagawa din ng random drug testing sa halos 300 Bus driver sa terminal para matiyak ang siguridad at kaligtasan ng mga pasaherong uuwi sa kanilang mga lalawigan.
Ayon kay Secretary Bautista inaasahan ang volume ng mga pasaherong uuwi sa kanilang mga lalawigan kaya’t magbibigay ang LTFRB ng 1,021 na special permit sa mga bus operator ngayong Semana Santa.
Layon nitong ma- accommodate lahat ang mga biyaherong uuwi sa mga probinsiya para doon gunitain ang mahal na araw.
Tiniyak naman ni PNP Chief general Benjamin Acorda Jr. na sapat ang kanilang mga tauhan para magbantay sa mga Bus Terminal at Paliparan upang matiyak ang kaligtasan ng mga manlalakbay sa panahon ng holy week.
Ayon kay Colyn Calbasa ng PITX as of 10:00 umabot na sa 46,442 ang mga biyaherong nagtungo sa PITX.
Samantala kinumpima naman ni MMDA acting Chairman Romando Artes na suspendido ang color coding sa Huwebes at Biyernes.