dzme1530.ph

Mga Obispo nagbabala sa publiko hinggil sa People’s Initiative

“Huwag magpalinlang.” Ito ang babala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng ‘di basta-bastang pagpirma sa People’s Initiative.

Sa inilabas na pastoral statement na “Ano ang mabuti?” mariing kinundena ng Kapulungan ng Obispo ng Pilipinas ang mapanlinlang na pangangalap ng lagda ng ilang lingkod-bayan para sa P-I dahil hindi umano ipinaunawa ng maayos sa mga tao ang dahilan ng petisyong pinirmahan.

Naniniwala ang mga obispo sa pahayag ng ilang economic experts na hindi sagot ang pag amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon para umunlad ang bansa.

Hinikayat din ng mga obispo ang lahat na magbantay sa pagtatangkang baguhin ang Saligang Batas gaya ng pangamba ng mga senador.

Magsasagawa naman ang CBCP ng mga pagtalakay tungkol sa usapin ng Saligang Batas at mga isyu ng bansa upang mapagnilayan at mapagdesisyunan ng mga tao kung ano ang ‘tunay na mabuti.’

About The Author