dzme1530.ph

Mga negosyante na nagmamanipula sa presyo ng bilihin, kakasuhan

Nagbabala si Deputy Majority Leader at Zambales 1st District Congressman Jefferson Khonghun sa mga mapagsamantalang negosyante na nagmamanipula sa presyo ng bilihin partikular na sa pagkain.

Ayon kay Khonghun, seryoso si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa derektiba nito kay Rep. Mark Enverga na ipasilip sa komite nito ang malaking agwat sa presyo ng Farmgate at Retail prices.

Sa mga mapapatunayang sangkot sa kartel ay sasampahan sila ng kasong Economic sabotage.

Pinuri naman ni Taguig-Pateros Representavie Pammy Zamora si Romualdez sa utos nito para protektahan ang buying public laban sa pang-aabuso.

Sa panig naman ni La Union Representative Paolo Ortega, masyado ng mabigat ang Food inflation sa bansa na mas lalong pinahihirap ng mga tiwali at di patas na negosyante.

Una nang ibinulgar ng SINAG at mga supermarket operators ang malaking “discrepancy” sa presyuhan ng farmgate at retail.

About The Author