dzme1530.ph

Mga negosyante, hinimok na ‘wag gaanong magtaas ng presyo ngayong Christmas season

Hinimok ni Senador Francis Tolentino ang mga negosyanye na ikunsidera ang sitwasyon ng mga Pilipino ngayong Christmas season at iwasan ang labis na pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Ipinaalala ni Tolentino na may social responsibility ang bawat kumpanya at dapat ikunsidera ang kapakanan ng mga mamimili.

Ang reaksyon ng senador ay kasunod ng pahayag ni PWC Philippines Chairman Roderic Danao na isa sa posibleng mitigating measure nila sa gitna ng high inflation ay ang itaas din ang presyo ng kanilang mga produkto.

Nilinaw naman ni Danao na posibilidad pa lamang ito subalit inamin na ang mga consumer ang tatamaan ng taas presyo.

Ipinaalala pa ng senador sa mga negosyante na consumer-driven ang mga negosyo kaya kung hindi kakayanin ng publiko ang paggastos ay hindi rin matutupad ang pagrebound ng ekonomiya. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author