dzme1530.ph

Mga natitirang POGO sa bansa, target buwagin ng PAOCC sa loob ng isang taon

Loading

Nasa 11,000 iligal na manggagawa ang patuloy na nagsasagawa ng scamming activities sa bansa, isa’t kalahating buwan mula nang ipatupad ang total ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa pagtaya ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Exec. Dir. Gilbert Cruz, posibleng mabuwag nila ang illegal POGO activities sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Cruz na kakayanin nilang ubusin, paunti-unti, ang mga POGO na nagpapatuloy pa rin ang operasyon.

Nov. 5, 2024 nang maglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive order na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming, Internet Gaming, at iba pang offshore gaming operations sa bansa.

Inihayag ng PAOCC chief na batay sa tala ng Bureau of Immigration ay nasa 11,000 ex-POGO workers ang nananatili pa rin sa Pilipinas at nakakalat sa iba’t ibang panig ng bansa.

About The Author