dzme1530.ph

Mga nasugatang sundalo sa misyon sa West Philippine Sea, ginawaran ng medalya ng AFP

Personal na pinarangalan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang tatlong nasugatang sundalo, at ginawaran ang mga ito ng medalya.

Nagpapagaling ang navy personnel sa isang ospital sa Palawan mula sa tinamo nilang injuries matapos bombahin ng tubig ng China ang sinasakyan nilang resupply vessel sa West Philippine Sea.

Bukod sa tatlong tripulante, pinagkalooban din ng medalya sa isang seremonya ang iba pang personnel na nasugatan mula sa mga naunang misyon.

Inihayag ni Brawner na bagaman hindi na bago ang ginawa ng China, ang pag-atake noong Sabado ang pinakamapanganib na naranasan ng mga sundalo.

About The Author