dzme1530.ph

Mga nasa likod ng mga pekeng balita at impormasyon, dapat ilantad at papanagutin

Loading

Suportado ni Sen. Joel Villanueva ang hakbang ng National Bureau of Investigation na labanan ang operasyon ng mga naglalako ng pekeng balita at mali-maling impormasyon sa social media.

Sinabi ni Villanueva na dapat lamang na malantad at mapanagot ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng fake news at mga maling impormasyon.

Ipinaliwanag ng senador na maging siya ay naging biktima ng fake news at mga malisyosong impormasyon.

Stop gap measure lamang aniya ang hakbang na irereport sa social media platforms ang mga pekeng impormasyon.

Kaya ikinalugod ni Villanueva ang imbestigasyon ng NBI para matukoy sino ang mastermind, kung sino ang grupo o indibidwal na nagpopondo sa mga vlogger na nagpapakalat ng fake news sa social media.

Ipinaliwanag ng senador sa ngayon ay mayroon tayong Cybercrime Prevention Act pero hndi aniya ito sapat para matigil ang pagkalat ng mga maling impormasyon.

Kaya naniniwala si Villanueva na kailangan ng amyendahan ang Cybercrime Prevention Act para mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa pagpapakalat ng  fake news.

 

About The Author