dzme1530.ph

Mga nananawagan sa Senado na i-convene na ang impeachment court, nadagdagan pa

Loading

Nadagdagan pa ang mga nananawagan sa Senado upang agad nang i-convene bilang impeachment court para masimulan na ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay makaraang magsumite na rin ng position paper sa Senado si Bayan Muna Chairperson at dating Cong. Neri Colmenares na nananawagan para sa agarang pagconvene ng Senado bilang impeachment court at agarang paglilitis sa impeachment case laban sa Bise Presidente.

Ipinaliwanag ni Colmenares na may sapat na panahon para makumpleto ang impeachment trial bago matapos ang 19th Congress sa June 30,2025.

Nanawagan din ang Bayan Muna na gamitin ang naaprubahan at nailathala ng rules of impeachment sa ilalim ng 19th Congress sa halip na gumawa ng panibagong rules.

Dapat din anyang gawing election issue ng lahat ng kandidato ang impeachement laban kay VP Sara at isapubliko nila ang kanilang posisyon.

Una na ring sumulat si Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Senate President Francis Escudero at ipinaalala na batay sa konstitusyon mandato ng Senado na agarang magsagawa ng paglilitis kapag may naisumiteng articles of impeachment laban sa isang impeachable official

Mayroon na ding naghain ng petition for mandamus sa Korte Suprema na nanawagan na simulan na ng Senado ang impeachment trial laban kay VP Sara.

About The Author