dzme1530.ph

Mga nais sumapi sa Partido Federal ng Pilipinas, welcome anuman ang kanilang kulay sa pulitika!

Welcome ang sinumang nais na sumapi sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP), anuman ang kanilang kulay sa pulitika.

Sa chance interview sa sidelines ng Philippine-Australia Amphibious Exercise sa Zambales, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pulitika ay isang “game of addition”, kaya’t welcome ang sinumang nais umanib sa kanilang koalisyon o sumuporta sa kanilang mga kandidato sa mga susunod na halalan.

Sinabi pa ni Marcos na tatanggapin din nila ang mga nais tumulong sa gobyerno sa pagtataguyod ng mga polisiya para sa mamamayan, at gayundin sa pagpapasigla ng ekonomiya at pagpapababa ng inflation.

Matatandaang kahapon ay pinangunahan ng Pangulo ang oath taking ng mga bagong miyembro ng PFP, kabilang na ang kanyang anak na si ilocos norte rep. Sandro marcos.

Iginiit ng Pangulo na kahit noon pa mang panahon ng eleksyon ay sinasabi na niyang welcome ang sinumang handang tumulong sa kanila, kahit sino man ito o anuman ang kulay ng kanyang pulitika. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author