dzme1530.ph

Mga naipit na pilgrims sa Saudi, malabo pang makauwi ng Pilipinas

Inanunsyo ng National Commission on Muslim Filipinos na wala pang eksaktong petsa ng pag-uwi ang mga Filipino pilgrim na hindi nakasakay sa Saudi flight, kahapon.

Gayunman, tiniyak ng komisyon na sasagutin ng Mashariq Travel Agency ang rebooking ng mga naturang pilgrims.

Siniguro rin ng naturang travel agency na hahanapan nila ng mas maagang flight pabalik ng Pilipinas ang mga naipit na pilgrims.

Una nang naiwan ng flight ng Saudi Airlines ang Pinoy pilgrims makaraang hindi agad dumating ang mga bus na kanila sanang sasakyan patungong Jeddah Airport.

Ang ilan pa sa mga ito ay nagkaroon ng problema sa travel document kaya sila naharang sa border checkpoint sa Saudi Arabia. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author