dzme1530.ph

Mga nagsilbing game changer sa halalan, tinukoy ng Alyansa senatorial bet

Loading

Inisa-isa ni senatorial bet at dating Sen. Panfilo Lacson ang mga nakita niyang nagsilbing game changer sa halalan.

Sinabi ni Lacson na kabilang dito ang hanay ng Millennials at ang Gen Z na lumabas at bomoto.

Kasama rin ang naging papel ng social media, maging ang epekto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kabiguan na mapagana ang makinarya ng administrasyon.

Ito aniya ang mga dahilan sa mga nakakagulat na mga nanalo at mga natalo sa nakalipas na eleksyon.

Halos nasabi na anya na ang biggest beneficiaries ng Duterten at Alyansa minus two ay sina dating Sen. Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

Naniniwala naman si Lacson na sadyang kwalipikado ang dalawa lalo’t nangampanya rin sila ng todo.

Ang malinaw para kay Lacson maraming natutunang leksyon sa nakalipas na eleksyon at tiyak na ang taumbayan nag nagpasya sa mga nanalo.

About The Author