dzme1530.ph

MGA NAGSARANG GASOLINAHAN DAHIL SA PAGSIPA NG PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, BUMABA SA 365

Loading

Bumaba sa 365 ang bilang ng mga gasolinahang pansamantalang nagsara sa gitna ng pagsirit ng presyo ng langis, ayon sa PNP as of March 30.

Sa press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño na patuloy nilang binabantayan ang kabuuang 14,519 gasoline stations sa buong bansa.

Matatandaang noong Biyernes ay umabot sa 425 ang nagsarang mga gasolinahan.

Inihayag ng PNP na ang pagbaba ng bilang ay nagpapahiwatig na nakapagpatuloy na ng operasyon ang ibang gasoline stations matapos makapag-replenish ng kanilang supply.

Nakikipag-ugnayan ang PNP sa Department of Energy para ma-validate ang supply concerns at matiyak ang pagtatalaga ng fuel retailers.

About The Author