![]()
Tinutugis na ng Philippine National Police ang mga taong nasa likod ng mga pekeng balita at impormasyon hinggil sa energy crisis sa bansa sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., seryosong isyu ang kaguluhan sa Gitnang Silangan at dapat maparusahan ang sinumang gumagamit sa sitwasyon upang magkaroon ng panic sa bansa.
Sinabi ni Nartatez na hahabulin at kakasuhan nila ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng mali-maling impormasyon.
Inatasan ng heneral ang PNP-Anti-Cybercrime Group na paigtingin ang kanilang surveillance sa social media pages at accounts na ginagamit sa disinformation drives.
Ginagamit na rin ngayon ng pulisya ang kanilang social media accounts upang labanan ang mga fake news.
