dzme1530.ph

Mga nagkalat na text spam at scam, posibleng may kaugnayan din sa POGO

Naniniwala si Sen. Sherwin Gatchalian na posibleng may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang naglipanang scam messages mula sa mga private messaging system.

Sinabi ni Gatchalian na batay sa kanyang obserbasyon na mula sa paggamit ng SIM cards dahil sa pagpapadala ng text messages ay ginagamit na ngayon ang internet dahil idinadaan ang spam at scam messages sa instant messaging services, gaya ng WhatsApp at Telegram.

Sa mga nahuli anyang POGOs nadiskubre na ang karaniwang gamit ng mga ito sa kanilang modus ay WhatsApp at Telegram, na kapwa mahirap matukoy dahil “encrypted” at “Internet-based.”

Idinagdag pa ni Gatchalian na ang mas nakakatakot ay target na rin ng modus ang mga Filpino at hindi lamang ang mga dating pinupuntirya na nasa India, Bangladesh at Pakistan.

Sinabi pa ni Gatchalian na may mga natatanggap na silang sumbong dito sa bansa na naloko dahil nagpapadala ng pera matapos umutang.

About The Author