dzme1530.ph

Mga nagbakasyon sa mga lalawigan sa katatapos lamang na Semana Santa, nagsimula nang bumalik sa Metro Manila

Nasa 83,000 mga pasahero ang naitala sa Paranaque Integrated Terminal exchange (PITX), kahapon, Easter Sunday, sa pagbabalik ng mga nagbakasyon sa mga probinsya sa pagtatapos ng Semana Santa.

Ayon sa pamunuan ng PITX, umabot sa 1,210,464 ang bilang ng mga pasaherong naitala, simula March 22 hanggang 31.

Inaasahan din na mas marami pa ang mga biyaherong magsisibalikan sa Metro Manila ngayong Lunes, mula sa pagbabakasyon sa mga lalawigan.

Samantala, sa bus terminals sa Sampaloc, Maynila at Cubao, Quezon City, kakaunti lamang ang mga pasaherong sumakay ng bus patungo sa mga probinsya, na ang ilan ay sa Metro Manila ginunita ang Mahal na Araw.

About The Author