dzme1530.ph

Mga naapektuhang power lines bunsod ng pananalasa ng Bagyong Emong, tuluyan nang naisaayos ng NGCP

Loading

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na naibalik na nila ang mga linya ng kuryente na naapektuhan ng malalakas na pag-ulan na dulot ng Bagyong Emong.

Sinabi ng NGCP na naibalik na sa normal ang Luzon Grid matapos maisaayos ang huling naapektuhang linya na Bacnotan-Bulala 69-kilo-volt line.

Tiniyak din ng state grid operator sa publiko na patuloy silang naka-monitor sa lagay ng panahon at handang i-activate ang kanilang overall command and monitoring center sakaling magkaroon ng anumang banta sa kanilang transmission facilities.

Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Emong noong Sabado ng umaga, subalit nagbabala ang PAGASA na magpapatuloy ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa habagat.

 

About The Author