dzme1530.ph

Mga miyembro ng senate panel sa bicam committee para sa wage hike bill, itinalaga na

Loading

Nagtalaga na ang Senado ng bicameral conference committee members para sa pagtalakay sa disagreeing provision ng ipinasang legislated minimum wage hike bill ng Senado at Kamara.

Kabilang sa mga itinalaga sa panig ng Senado na pamumunuan ni Senate Committee on Labor chairman Joel Villanueva sina Senate President Francis Escudero, Sen. JV Ejercito, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Koko Pimentel, Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Jinggoy Estrada.

Una namang nagpahayag ng pangamba si Villanueva na hindi kayanin ng kanilang oras ang pagbalangkas ng committee report sa panukala maliban na lamang kung iaadopt ng Kamara ang bersyon ng Senado.

Sa gitna ito ng paninindigan ng senador na mas ligtas sa pagkaka-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ₱100 legislated wage hike bill na una nang ipinasa ng Senado.

Sinabi ni Villanueva na marami na silang nakausap na mga negosyante at nagsabing hindi nila kakayanin ang ₱200 na umento sa sahod.

About The Author