dzme1530.ph

Mga miyembro ng bagong minority bloc sa Senado, posibleng umabot sa 9 o 10

Loading

Posibleng umabot sa siyam hanggang 10 ang magiging miyembro ng bagong minority bloc sa Senado, kasunod ng biglaang pagpapalit ng liderato.

Ito ang inihayag ni Sen. Alan Peter Cayetano, kasabay ng kumpirmasyon na ngayong araw sila pipili ng kanilang Senate Minority Leader.

Kasama sa tinukoy ni Cayetano ang Duterte bloc na sina Senators Bong Go, Bato dela Rosa, Robin Padilla, Rodante Marcoleta at Imee Marcos. Kasama rin sina dating Senate President Chiz Escudero, dating Majority Leader Joel Villanueva at dating Pro Tempore Jinggoy Estrada.

Ayon kay Cayetano, dapat magbunga ng tunay na reporma ang pagbabago sa Senado.

Giit nito, ang tunay na kalaban ay hindi kapwa politiko kundi ang katiwalian sa bansa.

Babala pa nito na kung hindi masusugpo ang korapsyon, lalo lamang itong lalala at babalik sa mas malalang anyo.

About The Author