dzme1530.ph

MGA MINIMUM WAGE EARNERS, IPINASASAMA SA PAGBIBIGAY NG AYUDA SA GITNA NG KRISIS

Loading

IGINIIT ni Senador Ewin Tulfo ang pagpapalawak ng saklaw ng ayuda ng pamahalaan upang maisama hindi lamang ang pinakamahihirap na sektor kundi maging ang mga minimum wage earners.
 
Ginawa ni Tulfo ang pahayag sa pagdinig ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development kung saan tinalakay ang mga panukalang pag-amyenda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps Act.
 
Sinabi ni Tulfo na dapat isama sa mga benepisyaryo ng ayuda ang mas malawak na hanay ng mamamayan, hindi lamang ang pinakamahihirap kundi ikunsidera rin ang mga haligi ng lakas-paggawa.
 
Iginiit din ni Tulfo na ang 4Ps ay hindi lamang dapat magbigay ng agarang tulong kundi maging tulay din patungo sa pangmatagalang kaunlaran ng mga pamilya.
 
Mahalaga rin anyang palakasin ang mga programang pangkabuhayan upang mabigyan ng kasanayan at pagkakakitaan ang mga benepisyaryo at matulungan silang tumayo sa sarili nilang mga paa.

About The Author