dzme1530.ph

Mga militanteng grupo, nagprotesta sa gitna ng habagat; kapabayaan ng gobyerno, kinondena

Loading

Sa kabila ng malakas na ulan dulot ng habagat, itinuloy ng mga militanteng grupo ang kanilang protesta sa Maynila laban sa umano’y kakulangan ng gobyerno sa pagtugon sa kalamidad.

Sa Mendiola, mariing kinondena ng mga grupong mula Southern Tagalog ang umano’y kawalan ng hustisya para sa mga nasalanta, pagwawalang-bahala sa krisis sa klima, at matinding kapabayaan.

Diretsahan nilang sinisi ang gobyerno sa patuloy na paghihirap ng mga magsasaka, manggagawa, kabataan, at katutubo, lalo na sa gitna ng matitinding pinsalang dulot ng mga bagyo.

Nanawagan din ang mga ito ng agarang pagkilos para sa reporma sa lupa, disenteng sahod, at matibay na proteksyon sa kabuhayan at karapatan ng mamamayan.

Giit ng mga grupo, handa silang ipagpatuloy ang kanilang “Laban Caravan” hanggang sa matapos ang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

About The Author