dzme1530.ph

Mga militanteng grupo mula sa Timog Katagalugan, sumugod sa DOJ

Sumugod ang nasa 100 militanteng magbubukid mula sa Southern Tagalog Region na kinabibilangan ng mga kabataan at matatanda sa harapan ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila.

Ito ay para igiit ang pagpapalaya sa mga political detainees at pagpasa ng makatotohanang repormang pang-agraryo.

Nauna nang nagbanta at nagplano na lulusob sa US Embassy ang mga raliyista pero hindi na natuloy dahil bantay sarado ng mga otoridad ang paligid nito.

Plano ng mga militante na magsagawa pa ng hiwalay na pagkilos protesta sa tanggapan ng Sugar Regulatory Administration, DENR, Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform mamayang hapon.

Matapos nito ay plano rin nilang magsagawa bukas ng protesta sa harapan naman ng Mendiola bukas upang doon ipagpatuloy ang kanilang naudlot na programa.

Sa ngayon, maayos at mapayapa nang umalis ang mga nabangit na grupo, kasabay ng ipinatupad na seguridad ng Manila Police District sa harapan ng tanggapan ng DOJ. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author