dzme1530.ph

Mga mapang-abusong online lending apps, dapat papanagutin

Loading

Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat papanagutin ang mga mapang-abusong online lending applications sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga reklamo laban sa mga ito na isinusumite sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sinabi ni Gatchalian na kailangang magpatupad ng mas matibay na hakbangin at pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno upang matukoy, maimbestigahan, at mapanagot ang mga nasa likod ng ganitong uri ng pananamantala.

Layunin nito na ganap na mawala ang mga mapagsamantalang gawain at maibalik ang tiwala ng publiko sa digital financial services.

Sa ngayon ay ilan na ang lumutang upang isumbong ang harassment at pang-aabuso na kanilang nararanasan mula sa mga online lending platforms—kabilang na ang paglabag sa privacy, pananakot, at hindi makataong paraan ng paniningil ng utang.

About The Author